this is one of my favorite write up, i actually gave a copy or intended to create this poem for one of my teacher in high school! she was a new teacher, shes very young and fresh grad teacher. we were bein closed at that time, i mean a very good student-teacher relationship, come to the point she shared her grievances in life, she was planning to go abroad because of many issues she has, family, her work as a teacher, she found her work very stressful and almost giving up. i was bein so much felt sorry with her while she was tellin her story and fallin tears on her eyes. was bein carried i guess, thats why, i got home early and took my pencil and note, i wrote this one for her. its very hard to create a poem, coz this is not just ang ordinary poems, if you are a good critics you will notice that the number per syllable each line are 12 syllables. it wasnt easy for me to count the the syllable to create a perfect poem, and again perhaps you will not understand most of the deepest word ive used, so intindihin nyo nalang hehehe
Ikaw Magpakaylanman
by: dinn arken tolentino
Sukdulang pagsisikap aking natanaw
Sa lamiga at init hindi nalulusaw
Hindi tumutigil mapagabit araw
Hanngat ang tagumpay ay hindi matanaw
Anumang balakid di nasasawata
Di titigil hanggat makamit ang pita
Kahit ang mga pantas ay magsipagbanta
Na itigil, dahil to’y bagay na lanta
Aking tinutukoy guro na masidhi
Layon sa estudyante leksyo’y ibinhi
Pagtuturo’y stratehiyang matimpi
Upang sa huli ay makamit ang gali
Kinang ng gawi nya ay hindi pupupas
Mapa sa loob man at mapa sa labas
Sa pananalita nya’y kita ang bakas
Bakas na nagpapahiwatig sa hiyas
Gurong, sa simula aking kinakasi
Di maipahiyag pagkat akoy kimi
Sa bawat oras na akoy nahahapis
Aking hiling sanay maganda ang litis
Sa bawat taong sayo’y nag alipusta
Silay may araw upang ika’y magbanta
Ngunit itong banta’y hindi mapagmata
Kundi ay, bisulak na sukli nito ang dala
Habang ikay, nasa ilalim ng palad
Hamang hindi, natutupad ang ‘yong hangad
May oras na ang pagsubok ay banayad
Sumakay ka sa Bangka ng walang bayad
Ang kumatha nitong tula’y iyong giliw
Upang sa iyong oras ay mag aliw
Iyong isa isip ng ikay dkila
Bakit? Itanong sa harap ng kandila
No comments:
Post a Comment