SHORT STORY


HINAGPIS
By: Dinn Arken Tolentino




                “Kuya Mar!” “kuya Mar!” ang malakas na sambit ni Gleecy sa pangalan ni Mar na nakababatang kapatid nito na humahangos sa kapaguran.
                “oh! Ecy!, bakit may problema ba?” maagap na sagot ni Mar sa boses na sumambulat sa kanya.
                “kuya, anong ginagawa mo dito?”
                “wala lang, pinagmamasdan ko lang ang paglubog ng araw dito sa dalampasigan .” pakli nito sa pambubusisi ng kapatid.
                “lingid sa kaalaman ni Gleecy ay may iniisip na malalim si Mar ukol sa mga sinabi ng matandang manggagamot sa kanyang ina. Tila binibiyak ang kanyang kalooban sa mga narinig.
                “wala ng lunas ang sakit ng iyong ina!”  ito ang paulit ulit na naririnig ni mar maging sa isipan niya.nagulat na lamang ang binata ng kurutin siya ng nakababatang kapatid sa baywang.kasabay nito ang pagpatak ng luha sa kanyang kamay. Napatungo siya at pinagmasdan ang kanyang palad, may mga gasgas at mga sugat iyon.kinuyom niya at napahinga ng malalim na bakas ang hapdi sa kanyang naramdaman. Tinitigan niya si Gleecy, bakas sa mukha ng bata ang pagka inosente at pagkawalang muwang sa mga bagay bagay o kapaligirin niya.
                “kuya bakit?”
Niyakap ng mahigpit ng binata ang nakababatang kapatid, tumulo nalamang ang luha nito na noo'y namumuo sa gilid ng kanyang mata.
                “gleecy, magpapakabait ka kay nanay ha!, susundin mo siya lage, makinig ka kay kuya ok!”
                “kuya bakit po? May sakit po ba si nanay?” mausisang tanong nito!
                “bakit mo naman naitanong iyan?”
                “wala lang po, nagtataka lang kasi ako sayo eh!”
                “basta sundin mo ang lahat ng sinasabi ko ha!” pakubling pakli nito sa nakababatang kapatid.
                “opo kuya!” ang maagap na sagot nito na sabay humalik sa pisngi ni Mar.
“Kuya punta po muna ako sa bandang bukana ng ating baryo, andoon kasi ang mga kalaro ko eh!”
                “wag ka nang lalayo at malapit ng magtakip silim, pag-uwi mo maghugas ka agad ng paa at maging  ang katawan mo!” ang may pagmamatigas na pakli ni Mar!
Hindi na halos pa narinig nito ang sagot ng nakababatang kapatid dahil sa kalayuan ng tinakbo patungo sa bukana kung san naroon ang mga kaibigan. Lubusang ipinapakita ng binata ang pagmamahal nito sa nakababatang kapatid, nag iisang kapatid niya lamang iyon. Nakahimlay ang kanyang ina ngayun sa bahay na kanilang tinutuluyan, may katandaan narin ito, sa likod ng mga paghihirap ay bakas  ang sanhi ng kanyang karamdaman. Hindi na makatayo, at tila nakadikit na lamang sa hinihigaan.Tanging pagluha na lamang sa mga sinapit ang kanyang nagagawa.Subalit para kay Mar, isa lamang ito sa mga pagsubok ng pamilya na dapat niya harapin at labanan. Ang Hindi mawalan ng pag asa ang natatanging sandata niya sa buhay na mayroon siya!
                Tumayo si Mar sa batong kinauupuan, sa kanyang pagkakatungo’y dagliang ibinaling ang tingin sa papalubog na araw. “bukas ay panibagong araw ang haharapin” aniya ng pabulong,  tila buo ang loob na ipagpatuloy ang sinimulang hakbangin patungo sa paroroonan. Pilit mang ikinukubli ang mga pighating nararanasan ay bakas parin ang ngiti sa kanyang mukha.tila alintana ang mga suliraning kanyang kinakaharap.
                Sabay sa pagtalikod ng binata sa papalubog na araw, isang panibagong bukas ang naghihintay. Nakasanayan na niyang sa dalampasigan  ilabas ang lahat ng kanyang nasa saloobin. Para sa kanya, ang dalampasigang ito  ang nagsisilbing karamay sa lahat ng dinanas ng  kanyang kapalaran. Sa dalampasigan niya lamang naramdaman na may tunay na nakikinig sa lahat ng kanyang sinasabi. Napatunayan niya sa kanyang sarili na may namumukod tanging likha ng diyos ang magpapagaan ng loob at magiging karamay sa anumang kapighatian ang sapitin ng kanyang buhay.
                Tuloy ang pagmumunimuni ng binata habang patuloy nitong tinatahak ang daan pabalik sa kanilang tahanan. Nag aalala ang binata sa inang naghihintay sa kanya.
                Alam ng ina kung saan nagpunta ang kanyang binatilyo. Araw ng linggo kayat araw ng pamamahinga. Isang lugar lamang ang alam niyang madalas puntahan ng kanyang anak. Ang dalampasigan lamang ang kaisa isang pook na nagsisilibing karamay  nito.katulad din ng kanyang ama na pumanaw na sa laot dahil sa isang trahedya.sa tuwing may suliranin ang kanyang kabiyak noon ay sa dalampasigan din humihingi ng kasagutan sa mga katanungan nito sa buhay, animoy sumasagot naman ang dalampasigan dala ng hampas ng alon sa baybayin.di man niya naririnig ang literal na sagot nito, ramdam niya ang nais ipahiwatig ng  hampas ng alon.sa dalampasigan din una nagkakilala ang dalawa at ng kalaunan’y nagkaunawaan dala ng bugso ng damdamin. Sa bawat hampas ng buhok niya sa kanyang pisngi, labis na kasiyahayan ang kanyang nararamdaman.sa pagtulo ng kanyang luha  ng mga panahong iyon ay kasabay ang sumpaang magsasama ng habang buhay. Subalit tila sinubok ng naturang dagat ang tatag  ng loob ni aling Rosa. Nabalitaan na lamang niya isang umaga sa mga taga baryo na nalunod ang sinasakyang Bangka maging ang kasamahan nilang mangingisda. Sa pagdadalamhati ng naiwang kabiyak itinuon na lamang ang sarili sa pagpapalaki sa kanyang mga anak. nasa sinapupunan pa lamang noon si gleecy, subalit magpasa hanggang ngayon ay sariwa parin ang mga alaala ng sumpaan ng dalawa.
                Pumatak ang mga luha ni aling rosa , sa mga ala alang tila kahapon lamang ng yari. Apat na taon na ang nakararaan.subalit ayaw nitong mabura sa isipan niya.
                Isang bangungot  man ang nangyari, para sa kanya hindi ito hadlang  upang ipagpatuloy ang buhay. Pinipilit niyang tumayo at ipinagpatuloy ang labat ng kanyang buhay. Nais niyang bigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak.
“nay umiiyak po nanaman kayo?” pag aalalang tanong ng anak na kanina pa pala nakamasid sa may pintuan.
“ah.. wala ito! napasukan lamang ako ng kung anong insekto ang mata ko!”  pagkukubling pakli ng ina!
“nay! Wag nyo napo ipagkaila, na aalala parin ninyo ang trahedyang iyon. Ang sinapit ni itay. Maging ako man, mahirap kalimutan ang araw na iyon. Nasaksihan ko ang hirap at pighati ng araw na iyon. Noong araw na iyon tumatak sa isip ko na kay lupit ng buhay, sa tuwing nakikita ko kayong umiiyak at bawat patak ng luha nyo tila tinutusok ng karayum ang puso ko. Tumimo nga ng pagkalalim lalim sa aking kalooban, subalit sa kabila noon ay tumubo ang adhikaing tulungan kayo sa abot ng aking makakaya.sa tuwing kayo lumuluha nasasaktan po ako”
                Ikinubli ni Mar ang emosyong nararamdaman, pilit nyan ibinabaling ang paningin sa iban dereksiyon upang hindi ito mapansin ang matang nagiipon ng kung anung patak ng luha sa gilid, iniiwasan nyang wag mapuna ng kanyang ina ang luhang pumapatak at tumutulo sa kanyang pisngi,. Ramdam ni Mar ang labis pangungulila sa amang yumao na.Noong araw na nabalitaan ng mag-ina ang trahedyang naganap, tila nabalisa at natulala na may halong pagkatakot ang naramdaman ni Mar noon. Musmus man siya’y batid niyang masakit at napakahapdi ang mawalan ng isang ama. Para sa kanya, ang araw na iyon ay tinuring dibisyon ng kanyang buhay. Kung saan nag uugnay ng kapighatian at pag-asa na ipagpatuloy ang buhay. Sumilang ang di masalantang inspirasyon ng kanyang pagod at pagsisikap.
                “anak, patawad!” ang malumanay na wika ng inang pinipigil ang pagtangis.sabay noon ang pagkagulat ng binatilyo sa mga tinuran ng ina. Di agad nakakibo si Mar, sapagkat ayaw niyang ipakita na mahina siya. Sa kanyang loob sumisilakbo ang pagmamaha ng anak sa ina. Nahihirapan mang ipakita ang pagmamahal na iyon, walang ina ang hindi makararamdam noon. Sa pagtataguyod bilang padre de pamilya kailangan niyang magsikap at kumayod upang may makain. Ang sugat sa kanyang mga palad ay alintana. Ang hapdi na kanyang nararamdaman ay paulit ulit na nagpapaalala na kailangan tibayan ang loob dahil marami pang balakid at pagsubok na darating.
                “anak alam kong labis na ang pagdurusang dinaranas mo, wala ka nang panahon para sa iyong sarili. Nakapawala kong silbing ina at napabayaan ko kayo. “ dagdag ng ina sa naudlot na pangungusap na nais ni yang pakawalan kanina pa.
                “Isa lamang akong pabigat sa iyo, isang balakid at hadlang sa mga pangarap mo!” dagdag uli ng ina na sinisi ang sarili.
                “nay, wag kayo magsalita ng ganyan. Mahal kopo kayo” pakli nito sa ina habang papalapit. Hinawakan niya ang kamay ng ina at dama niya ang init at panginginig nito. Hinaplos niya ang buhok ng ina pababa sa mukha at pinahid ang mga luhang tumulo sa kanyang pisngi. Sabay pisil sa kamay ng ina na tila ayaw pakawalan at nagpapahiwatig ng gusto pa nitong makasama habang buhay.
Tinaas ni aling Rosa ang kanyang kamay at hinaplos ang mukha ng anak pababa sa mga labi nitong bakas ang pagmamahal ng anak.
Minukala ni Mar na ibaling ang tingin sa ibang panig at direksiyon. Nais niyang itago at pigilan ang sumisilakbong damdamin sa harap ng kanyang ina. Muli hinaplos ang ina ang mukha ng anak pataas at tila sinuyod at dinaanan ng magaang kamay ang buhok nito na pawisan at basa dahil sa magkahalong luha at pawis ng dumikit sa kamay ng ina. Bahagyang binagsak ng binata ang ulo niya ng malumanay sa balikat ng ina. Nagmistula siyang musmus sa kakatangis na tila musmus nawalan ng isang bagay na di mahanap. Yakap ni aling Rosa ang mukha na nakapatong sa kanyang kanang balikat. Dahang dahang sinarado ni aling rosa ang kanyang mga talukap at sa pagsara noo’y pumatak ang luhang namuo na naghihintay ng tamang panahon upang ito’y pakawalan.
                “kuya mar!  inay! Andito nap o ako!” ang sambulat na sambit ni gleecy. “Nagugutom na po ako!” dagdag pa nito na walang kaalam alam sa  mga nagaganap.
                Dagliang pinunas ni Mar ang luha sa kanyang pisngi na pumatak mula sa kanyang mga mata dala ng emosyon . sabay tayo at pagdakay nagkunwaring tila walang nangyari.
“oh gleecy, akit ngayon ka lang?” ang biglang bulalas ng nakatatandang kapatid sa bunso. Na medyo nanginginig pa. “ang pinapagawa ko sayo, gawin mo na. maghugas kana ng kamay at paa at magbihis na” ang pautos na wika niya.
                “nay maiwan kopo muna kayo at maghahanda lang muna ako n gating hapuna.” Ang may pagkukubling  pakli nito sa ina. Hindi na nito hinantay pa ang sagot, dagliang lumabas ito ng kwarto at nagtungo sa kusina upang asikasuhin ang kanilang hapunan.
                Sa hapagkainan, walang kibuan ang mag ina. Tila nakabibingi na katahimikan ang namagitan.ayaw ipahalata ng dalawa kung ano man ang pinagusapan nila kanina lamang.
                “kuya, pahingi ng tubig” ang inosenteng wika ni gleecy na nakabasag sa katahimikan na namagitan sa mga oras na iyon.
                Walang kibo na tumayo ang binata at ikinuha ng tubig ang nakababatang kapatid. Natapos ang hapunan na tahimik ang pamilya. Agad naman inalalayan ni Mar ang kanyang ina patungo sa kwarto nito upang mamahinga na. nais sana nitong bigkasin ang mga katagang “ magandang gabi po inayat nawa’y maging mahimbing po ang iyong tulog!” subalit tila may umanong bagay ang pumigil sa kanya na bigkasin iyon.
                Na ihatid niya ang ina ng hindi nagkikibuan. Paglabas ng kwarto, isang malumanay na tinig ang pahabol na narinig niya “alagaan mo anak ang kapatid mo. Mahalin mo siya at wag mong ipagkait ang pagmamahal bilang kapatid at tumatayo bilang magulang na rin. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang buhay ko. Ipinapaubaya ko na lamang sa ating poong may kapal kung anu man ang kahihinatnan ng aking buhay, hindi natin hawak  ang mga mangyayari sa hinaharap. Subalit kaya nating pag ibayuhin ang mga bagay na ngayon palang ay sa tingin nating makatutulong sa hinaharap. Walang sino man ang makapagsasabi kung ano man ang kahihinatnan at mangyayari bukas . dahil ang bukas ay iba sa kasalukuyan”
                Tumimo sa ispan ni Marang lahat ng pangaral ng ina. Hindi maiwasang maglaro sa isipan niyang  itanong kung bakit ganoon ang kayang ina sa mga panahong iyon. Naninibago siya’t tila may kung anung lihim ang kanyang ina nahindi niya alam. Nais niya itong tukalasin subalit, nag-aalinlangan siya baka ikabigla pa niya ito at maging dahilan upang kamuhian ang kanyang ina. Minabuti niya na lamang na ang panahon na ang tumuklas sa isang hakahaka na iyon.
                Tulalang lumabas ang binata sa kwarto ng ina. Napailing na lamang siya bilang reaksiyon sa lahat ng iyon.
                Tulad ng nakagawian, kailangan niyang ayusin ang mga gamit na kakailanganin para sa pangingisda.Tuwing alas nwebe ng gabi ito nakagawiang pumalaot. Ang lamig at ginaw na nararamdaman ay alintana sapagkat nakasanayan na niya. Tulad ng kanyang ama, kasabay ng mga kasamahang mangingisda din, kailangan magbanat ng buto at tiisin ang anumang balakid sa laot. Tuwing gabi lamang nagsisilabasan ang mga isda, batay sa matandang paniniwala na mas higit na marami ang lumalabas na isda kung gabi, tulad ng mga hayop sa masukal na kagubatan, naghihintay sa pagsapit ng hatinggabi upang maghanap ng pagkain at makaiwas sa makakasalubong na mababangis na hayop na maaring lumapa sa kanila.Taya ang buhay sa unang hakbang na gagawin dahil sa walang kasiguraduahn o katiyakan, sa kabilang banda nanaig parin ang pag asang makamit ang hangarin maitaguyod lamang ang adhikain.
                Sinuot niya ang balabal at ang kapirasong tela na itinali sa kanyang ulo pananggalang sa hamog. Dala ang sagwan at timba na may lamang kanin na nakasupot.tinungo niya ang baybayin upang asikasuhin ang bangkang gagamitin.minabuti niyang agahan ang pagpunta sa baybayin ng gabing iyon upang hindi maabala at makarinig ng anumang pang aalipusta mula sa mga kasamahang mangingisda.Mula ng nahimlay ang ina sa sakit, nagsimula ang mga bulung bulungan sa baryo.Ang patalikod na pag-aalipusta ng mga taga baryo ay labis na ikinasama ng loob ni Mar. para sa kanya mas mabuti pang iwasan na lamang niya at ipasawalang bahala sa poong may kapal ang lahat.May dahilan ang diyos kung bakit niya nararanasan ang lahat ng pait at paghihirap na dinanas at dinaranas niya ngayon.
alam niyang hindi magbibigay ang poong maykapal ng mga pagsubok na hindi kakayanin. Ganoon paman ay hindi naiwasang mapaluha ng binata sa paggunita sa mga masasalimoot na karanasan at mga pangyayari sa kanyang pamilya, marahil ngay tadhana ang naghatid noon. Ang emosyon ay hindi maikukubli  na sa tagal ng panahon ay lalong pinaiigting ang hapdi na dala nito.ayaw man niya isaisip ang mga bagay na iyon,subalit ang kanyang puso ay ayaw paawat sa paggunita at unti unting balikan ang mga pangyayari na dapat sana’y binaon na niya sa limot. Batid niya sa kanyang sarili ang mga kahinaang taglay niya. Bagaman sa haba ng panahon ay nahubog ang sarili sa pagiging malakas na tao, tila may nawawalang sangkap parin. Ang kanyang sarili ay magpa sa hanggang ngayon at alipin ng pagnanasang muling ibalik ang nakaraan. Kung san nabubuhay pa ang dakila niyang ama.ang labis na pagkalungkot ay nagdulot ng isang pangakong kaylan man ay hindi niya dapat isawalang bahala.Ang pagtaguyod sa kanyang nalalabing pamilya ay isang sakripisyo kung tutuusin, subalit ano sa kanya ang sakripisyo? Kung ang lahat ng dinanas nya ngayun sa kanyang buhay at maituturin ng tumok sa kanyang buhay n walang kasiguraduhan sa patutunguhan.Tumok kung saan ang nakapalibot sa kanya ay mga mababangis na uso o anumang hayop sa kagubatan na kapagdakay tumalikod lamang siya ng saglit ay susugurin upang siya’y lapain. Ang pagiging matatag niya ay kaylan man hindi nagpabagsak sa kanyang sarili, marahil nga’y magkaminsan  ito’y nagdudulot sa iba ng sakit, subalit dapat bang isawalang bahala ang sariling kapakanan na taya ang kinabukasan ng iyong pamilya?

                Maghahating gabi na ng siya’y makarating sa laot. Ang nagkikislapang ilaw sa tubig dulot ng repleksiyon ng kanyang lampara ay mistulang palamuti. Kungtatangkahin mung hipuin ay dagliang magpipirapiraso na sa kalaliman nito’y buhay ang kapalit sa pangahas na kasaklapan. Dala man nito’y dagliang saya kanyang sarili hindi parin maitatago ang masamang dulot, batid niyang kaaya aya man ito sa paningin subalit sa likod nitoy  kapahamakan  ang dala.ito ang mapanuring pagmamasid ng binata.
                Halos walang mahuli si mar a gabing iyon. Isang kulay berdeng isda na mahaba lamang ang kanyang naiuwi at dalawang malaking lamang dagat na sa panahong iyon maaari pang kainin.
                “kayhirap tlaga ng walang kaanib sa buhay. Tila nag iisa sa mundo na nagtataguyod. Tila isang haligi nakaturok sa isang malalim na look na sa pag agos ng panahon ay lalong rumurupok. Ganaun pama’y alam kong may ginhawang darating sa akin. Nawa’y gabayan ako ng aking amang yumao na.” aniya sa kanyang isipan habang tinitigan niya ang repliksiyon ng  ng kanyang lampara habang tinatahak ang daan pauwi sa pulo.sabay noon ang pagkinang ng pag asa at pagnanasang maging Masaya ang pamilya. Pagod na pagod na ang binata. Ang kakaunting huli ay di sapat para sa buong araw na pagkain ng pamilya.ang pagtratrabaho bilang trabahador sa bukirin pag araw ay dir in sapat upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan.ang gutom sa kanila ay di na alintana bastat may tubig sa kanilang tapayan. Tunay nga na ang tubig ay buhay. Sa kinang nitong taglay tila isang mahikang nag-uudyok na ang buhay ay dapat bigyang halaga.
                Pawisang nagsasagwan pabalik sa pulo ang binata. Sa bawat patak nito’y ang pagod at pawis ay alintana.   Subalit anumang pagod ang nararamdaman  nito ay nangingibay parin ang pananabik na Makita ang bunsi nitong kapatid .tila nawawala at napapalitan ang pagod ng sigla sa tuwing nilalambing ng nakababatang kapatid.
                “inay, napakaswurte ko po at tlagang naging anak niyo ako, dahil may ina akong katulad niyo na nagmamahal sa akin. Salamat din sa kapatid ko na karamay ko mapasa anumang buhay sa mundo.” Wika ng binata sa isip lamangpinakawalan.
                Tanaw na niya ang pulong pagdadaungan, habang papalapit tanaw nya ang nagkikislapang ilaw ng bawat tahanan.nagbibigay kulay ito na naturang pulo na kung pagmamasdan ay tila isang puno ng balite na hitik ng nagkikislapang alitaptap at sumisimbolo bilang  isang nakaranyang bahagi ng mundo.habang papalapit unti unti niyang naaaninagan ang anino ng naturang piraso ng lupa sa gitna ng laot.mula sa kanyang kina uupuang bahagi ng kanyang Bangka ay nasisilayan na niya ang bahay na mayroong isang punoy kahoy.
                At tuwing nakikita niya iyon tuwing pauwi mula sa laot, naaalala niya ang kanyang ama at ang masayang  araw na buo pa ang pamilya. Ang naturang pino ay kanyang itinanim noong kabataan pa niya, nakuha lamang niya iyon a bayan ng araw ng pagtatanim na isang programang inilunsad ng gobyerno. Tuwang tuwa ang kanyang ama dahil mayroon siyang na nagmamahal sa kalikasan at nagsusumisikap na pahalagahan ang buhay  ng bawat nilalang dito sa mundo. Ang pagiging mapagpahalaga sa anumang maliit na bagay ay lalong nagpahanga sa ama.  Sa labis ng tuwa ng ama’y ipinagmamalaki niya ang panganay, kinamot ang ulo ng anak ng mga panahong iyon na tanda ng magandang ginawa.sa pagkakataong iyon isang pangungusap  ang binitiwan ng ama.”anak! balang araw ikaw na ang magtataguyod sa ating pamilya.kaya naman hindi lingid sa iyo ang hirap at pagod na dadanasin mo ngayon palamang. Gayon paman, ang pighating mararamdaman mo ay bahagi ng pagsubok upang lubusang maghilom ang sugat na tiniis mo.”
                Lubhang nagulumihanan si Mar na tinuran ng ama sa mga panahong iyon. Ngayon nya lamang napagtanto angtunay na kahulugan ng mga pangungusap na iyon. Anu mang talinghaga at lalim  ang dala ng mensaheng iyon, sa hinharap niya nakita at nasagot ang mga katanung na iyon.
                “Dakila ka ama.” Aniya sa isip sabay buntong hininga. Sa agos ng panahon  tila nauubos narin at natutuyo ang luha ng binata sa kanyang magmata. Subalit sa pagkakataong siya’y nasa matinding emosyon, ang pagiging isang lalaki hindi lamang lalong tumatapang kundi lalong umiigting ang pagnanasang tumayo sa gitna ng kapighatian.
                Pagka-angkla ng Bangka sa kahoy na nahatiwangwang ay agad at nagdudumaling umuwi ang binata sa bahay.ang kahol ng mga aso ay din a nya pinansin pagkat sanay na siya sa mga iyon. Agad siya nagtungo sa likuran ng bahay nila, doon ay iniiwan niyang bukas ang pintuan ng naturang lugar upang hindi na sya makaabala at makagambala sa mga natutulog.kanyang inilagay  sa mesa ang dalang balde at iba pang kagamitan pangdagat. Kanyang napansin ang pagkain na nakasupot.hindi niya nagalaw  ang pagkaing iyon dahilan narin siguro sa mga emosyong kanyang nadama habang nasa laot.
                Tinungo niya ang silid nila gleecy at ng ina niya kung saan sila natutulog sa kailaliman ng gabing iyon, napabuntong hininga na lamang siya sabay ibinaling ang tingin sa espasyong dapat sanay siya ang nakahimlay katabi ng kanyang ina.
“Inay, maraming salamat po!” ang bigkas niya n pabulong sa mga panahong iyon.  Naupo sa gilid ang binata, bagsak ang katawan at pilit na lamang ibinubuka ang mga talukap dahil sa antok na nararamdaman. Sa pagkakaupo ay din a niya namalayan na napaidlip ito. Sa pagod ng gabing iyon, hindi na niya nakayanan labanan pa ang pasakit sa sarili. Sa kanyang pagkakatulog panibagong umaga ang haharapin ang naghahantay sa kanyang pagising.
                Kita sa mukha ng binata ang labis na kapaguran. Habang nakatingala at sarado ang mga mata ay mapapansin ang tuwa sa kanyang mga labi. Bakas sa kanyang mukha ang guhit ng kaligayan na kung tutuusin ay puno na siya ng kapighatian.ang ngiti na salikod ng paghihirap ay sumisimbolo ng pag asang naghihintay sa kanya. Sa pagkakataong iyon, nais niyang isantabi ang lahat ng suliranin. Kahit sa konting panahon ay kanyang madama ang isang simpleng tao na walang dalahin.
                Hindi na namalayan ng binata na halos magtatanghali na! nagising siya dahil sa ingay sa labas. Boses ni gleecy ang kanyang narinig habang sumisigaw ng “ikaw na! ang daya daya mo naman!” naka ugalian na ntiong makipaglaro sa mga kasamahan nitong kasing eded na bata.Sa pagkakaupo ni Mar, ay agad niyang binaling ang tingin sa likuran kung saan naroon ang higaan ng kanyang ina. Napansin niyang naroon pa ang kanyang ina na tila mahimbing pa ang tulog. Nakapagtataka na hindi pa ito lumalabas o gumigising pa, maaga itong nagiging at lageng nakaupo at nakamasid sa binta na katabi nito. Subalit ng mga panahong iyon kakaiba ang mga kutob ni mar na may halong kaba!
                Kakaibang kaba at pintig ng puso ang naramdaman niya.tila may kung anong nanghimasok na masamang hinala sa kanyang isip.
                Dagliang tumayo ito at tinungo ang ina. Habang sinasambit ang pangalan ng ina na medyo nginig pa dala na rin sa takot ng mga panahong iyon.
“Inay!”  “inay! Ging nap o kayo. Wag nyo naman po akong takutin ng ganito.” Agarang tumulo ang luha ng binata na lumatay sa pisngi pababa.
                “Inay!” ang sigay ng binata na animo’y nambubugaw ng mga kulisap sa bukirin.
                “kuya bakit? ano po ba ang nangyayari kay inay?” ang mausisang tanung ng nakababatang kapatid nito.
                “wala na si inay” pakli ng binata
                Dahil sa pagkarinig ng mga katagang iyon, agad na nagtangis ang bata at yinakap ang ina.
                Sa mga panahong iyon hawak ni Mar ang kanang kamay ng yumaong ina. Ang hikbi ng magkapatid ay tila nagsusumamong “tulungan nyo kami!” subalit ang pait ng kapalaran nila hindi matatakasan. Ang pagsubok na nakaatang ay di dapat takasan.lubha ngang nakakapanghina ang mga nangyari sa pamilya. Subalit tinibayan ang loob niya.
                Yakap yakap ni gleecy ang bangkay ng ina, samantalang si Mar ay nagugulumuhinan sa mga pangyayari . Napa-upo ito sa tabi at sumandal sa dingding. Sa pagkakataong iyon ay napagmasdan niyaang mukha ng kanyang ina. Napaka amo ng mukha nito. Kulubot man ang mukha dala ng pagkatanda at bakas ng karamdaman  nangingibabaw parin ang ngiti nito.
                Tila dinaganan ng malaking tipak na bato ang kapalaran ni Mar. Tila bumagsak ang kanyang mundo mula sa kaitasan at lugmok na lumog ang buhay sa pait na dinanas nito.sa mga sandaling iyon kaba sa dibdib ang kanyang dinig na tila musika ng kawalan at kapighatian sabay ang patak ng luha sa mga mata.
                Nakaligtaan na nilang lubog na ang araw at gabi na.wala silang anumang kakainin dahil dala ng pagbuhos ng emosyon alintana sa kanilang mga sikmura ang pagkagutom.ang tanging pagkain na nasa hapag  nila  yung kanin na baon pa niya kagabi. Ibinigay n lamang niya iyon sa nakababatang kapatid. Ang nahuli niyang isda kagabi ang ipina ulam niya sa kapatid.
                Napabuntong hininga na lamang ang binata. Maya maya binaling niya ang tingin sa nakababatang kapatid. “gleecy, maiwan muna kita may aasikasuhin lang ako. Dapat nating ilibing ang nanay!”
                “bakit po natin ililibing ang nanay kuya, kawawa naman siya hindi xa makakahinga!” ang pakli ng nakababatang kapatid na may pag aalala sa kanilang yumaong ina.
                “para mapunta na siya sa langit!hinahantay na siya ni itay doon.” Ang pagmamalaki ng kuya nito na halatang pinipigilan ang pagtangis.
                Masinop na naghukay ang binata sa likod ng bahay. Dinala niya ang mga labi ng ina at doon ay inilibing. Hindi na niya inantay pa sumikat ang araw maging ang paghingi ng tulong sa mga kabaryo niya.walang sinu man ang magtangkang tumulong dito.maksarili ang mga taga baryo. Nagkimkim ng galit ang binata sa mga iyon. Maging ang gobyerno nito ay wala ding maitutulong. Kulang pa ang buwis na binabayad ng tao para ibulsa ng mga nasa puwesto.nagbigay pugay ang dalawa sa libingan ng ina. Doon nila pinangako na babalik sila balang araw para dalwin siya.
                Binuhat ng binata ang isang karton na laman ay mga gamit at damit patungo salikuran ng bahay. Sumunodnaman ang nakababatang kapatid. “Kuya san tayo pupunta?” ang pagtatakang tanung ng bata.
                “sa maynila tayo pupunta”  ang sagot nito sa pang uusisa ng nakababatang kapatid.
“magpapakalayo layo na lamang tayo” ang dagdag pa nito.
                “Pero paano si nanay? Nasa likuran siya ng bahay baka mapa ano xa doon!” ang pag aalalang tanung ulit nito.
                “ wala na siya sa bahay nasa itaas na siya!”pakli ng binata
                Agad na nagtungo ang dalawa sa baybayin sa nakadaong na bangka nito. Agad tumulak pabayan ang daawa. Sa kaibayuhan ng laot habang papalayo sa pulo ay tanaw niya ang bayan na parang bang puno na hitik ng nagkikislapang alitaptap. Masama man ang loob niya na iwan ang pook na kung saan siya lumaki at nagkaisip wala na siyang ibang alam na puntahan kundi ang magpakalayolayo na lamang upang makalimutan at magsimula ng panibagong buhay kasama ang nakababata niyang kapatid.


ABANGAN ANG PART 2