Bakla
Ikaw ang kilay ni adan.ikaw ang pungay ni eba.ikaw ang balakang ni adan.ikaw ang kendeng ni eba. Ikaw ang tinig ni adan ikaw ang lambing ni eba. Ikaw ang bisig ni adan ikaw ang pilantik ni eba. Ikaw ang lakas ni adan ikaw ang hina ni eba. Ikaw ang dibdib ni adan ikaw ang puso ni eba. Ikaw ang katawan ni adan ikaw ang damdamin ni eba. Ikaw ang adan ikaw ang eba. Ikaw ang adang di adan.ikaw ang ebang di ebang eba.
Lalaki (karugtong ng tula)
inari mo ang daigdig, ikinapit mo ang iyong pangalan. Sa sangkatauhan huMANinty, sa tao huMAN, sa babae woMAN, pati ang langit ay iyong inangkin, ikaw din ang nahari diyos ama(hindi ina) anak (hindi jesusa) espiritu santo (hindi santa) pati impyerno ikaw ang nagtatag ikaw din ang sumakop satanas (lalaki) lusiper (lalaki din) demonyo (lalaki din) sinarili ng iyong kasarian ang mapagharing katangian.ngunit di mu maangkin ng buo kong katauhan.sa iyo lamang ang katawan ngunit di ang aking diwa, puso, at hilig. Di mo maikapit s aking pangalan ang lahat ng iyong katangian. Maaring higit ka sakin dahil alipin mu ang aking ISIP,LIBOG,PINTIG ngunit aking akin at akin lang ang aking pagkatao, kaakohan at kabaklaan.
Babae (karugtong ng tula)
Una ay si adan, matapos ay ikaw. Hinugot sa kanyang tadyang at anu ang paliwanag saking pinagmulan? Aankinin mu kaya ang aking kasaysayan? Matatanggap mu kaya ang itinakwil ni adan? Huwag mung pagmasdan ang aking katawan. Tiyak labis mung pagtatakhan ang nakausbong nating kaibahan ngunit maitatatwa mu bang sa iyo ako nagmana ng diwa, ng kilos, at pintig sa larangan ng libog at pag ibig?anu ang di natin pagtutulad maliban sa tahas na inilalantad ng ating katawang hubad? Hndi bat ako ngay nkakahigit sa iyong pungay, kending, pilantik s dilim, anu ang pagkakaiba ng iyong pagtatalik? Ibang sukdulan ba ang iyong nararating sa rurok ng mga ungol at buntong nakabitin?
No comments:
Post a Comment