sariling komposisyon: pang-limang tula


this is one of my favorite song.it remind me somethin from the past. me and my mom were not that close like others. but i really love here so much. i dont have any strenght to tell her how much i love her, i actually wrote the poem below for her. she doesnt know about this one, hope one day she will be able to read this  hehehehe. lucky to you guys who is very close to your mom.theres  a lot of hindrances and problem our family have been through! and thanks god!we did it.
\rrn/ 

May kinang
by:dinn arken tolentino



Ang mundo ngay’y talagang sadyang maliit
Upang kita’y mapayuhan sayong pita
At kailangang sa isip mo’y ipilit
Na dagliang pangarap mo ay makamit


Ang luha mo ay tutulo balang araw
Hindi dahil sa dilim kundi sa ilaw
Olaw na yong tinatanaw sa ibabaw
Pagkat sa’yong harapan ito’y lilitaw


Daigdig mo’y mapupuno ng liwanag
Lahat ng naismo’y kaya mong mabihag
Panatilihin lamang ika’y panatag
Pagkat sa ating buhay ay may mga bitag


Makamit mo man ang iyong minimithi
Mapasaya mo man ang inyong mga lipi
Huwag na ‘wag ka sa iba magtitimpi
Sa mga taong di tumulong kahit konte


Sa iyong mga ilaw na nais mong buksan
May mga pagsubok na di maiiwasa
At ang ilaw na to’y di mababawasan
Bagkus ang sukli nit’y madadagdagan


Kapag sa pagsubok tayo’y sumusipil
‘wag alalahaning tayo’y nagkikitil
Ito’y kikinang sinliit man ng butil
It’o’y naghuhudyat  sa daang  ‘di linsil


Ang butyl ng kinang, sa s’yang iyong ilaw
Sa kinalalagyan ay hindi bibitaw
Simula ng ito ay iyong natanaw
Ikaw ay nabuhaya’t galit pumanaw


Anumang hirap at anumang pasakit
Sana ako’y ipasok sa iyong isip
‘toy tulang aking pinaghirapang pilit
Payo sa’yong pita tunay na masidhi

No comments: