sariling komposisyon: pang walong tula (malayang tula)

 this poem is very very simple for me, isa rin ito sa malayang tulana nasulat ko, i wrote this one when i felt bad on my self few years ago and perhaps sad either. maxado akong madrama hahaha! never got to the point kasi na naglulwento ng mga ngyayari sa life ko, sinusulat ko nalang sa papel or as a poem instead!ewan ko, i found it weird.  lalo na paggalit ako sinusulat ko tlga sa notes, then after a week babalikan ko sinulat ko then tatawanan ko! thats how i find life i a big joke! hehehe LOL! hope you like this one! mwah!


Magulong mundo
by:dinn arken tolentino


Nag-iisa
Nalulungkot
Tulad ng bituin
na ayaw kumislap


Dalhin mo ako sa mundo ng tuwa
Upang matakasan lahat ng kaba
At nang pangarap ko’y magkatotoo
Kahit sa pangarap, ikaw at ako
Tayong dalawa, magkasama


Mundo ko’y nahahati sa dalawa
Hinagpis at pag-asa na ika’y makasama
Saan nga ba yaong hiwaga
Na sa simula aking ninais na matamasa
Sadyang ito’y tadahana


Nasaan? Akoy nanabik!
Uhaw sa pag iibig
Na aking hinahanap
Sa haba ng panahon na aking ginugol


Nais ko man sanang iyong malaman
Iyong reputasyon akingpinanghahawakan
Hindi ko nais ng iba ikay saktan
Hindi ko hiling na ikay kutyain
Pagkat nais ko lamang ika’y ibigin


Subalit ang pag ibig dala ay pighati
Na pares ang dusa ng ‘yong kinakasi
Aking itinanim sa ‘king isipan
Ika’y pangarap lang
Na lubhang kay hirap abutin


Sa taong makapalibot sayo
Hangad ko ika;y mahaling totoo
Pagkat pinii kong akoy lumayo
Lumayoupang ang nais moy mapasayo


Mundo moy iba sa akin
Pagkat ika’y taong dapat kandilihin
Di tulad ko mas malala sa alipin
Aliping hindi kaya ilabas ang saloobin


Ngunit sinta sa tulang ito
Buong puso kong pinapangako
Ang yaong pag-iro ay sagrado
Pagkat batid ko, hahamakin lamang ito
At sa tulang ito magsisilbing tumok sa mundo
Walang maniniwala, pagkat ako’y ihahantulad
Sa huwad na ginto

No comments: