wanna share this poem to you guys! malayang tula kung tawagi ,kasi wala xang bilang na syllables, i wrote this one ng nagbreak kami ng first gf ko! napakadrama ng dating hahahaha any way ala nako masabi! hmmmm hope you like it!
Magpakaylanman, akoy sayo
by:dinn arken tolentino
Masdan mo ang aking mata
May sinasabi sayo
Pahiwatig nya, unawain mo
Pagkat lilisan na, pag ibig na alay ko
Masdan mo ang aking mukha
Kalungkuta’y sa likod ng tuwa
Hayaan mo, mundoy liliwanag
Sa’ting dalawa, ang takday magaganap
Mundo koy iikot ng tuluyan
At ang araw tuloy sa pagsikat
Asahan mo ako’y aalalay
Sa iyong mundong nag iisa
Ikaw ang nagbigay, Ikaw ang nag-iisa
Ako, para sayo, Ako laging sayo
Ibuhos mo ang lahat,Ng poot at galit sa akin
Isipin mo’y akoy di mu gusto
Tandaan mo, “magpakaylanman ako’y sayo”
Masdan mo ang luha sa aking mata
Ang puso ko’y nasasaktan
Hayaan mong aking unawain
Nang sa gayon kita’y aking limutin
Masdan mo ang hinagpis ng aking mukha
Nalilok ang sakit na aking nadama
Sadya nga ba ganito ang tadhana
Pangkubli lamang ang aking ginagawa
Bukas akoy gigising
Panibagong araw aking haharapin
Bukas ako’y babangon
Panibagong mundo aking tatahakin
No comments:
Post a Comment