Alam mo kung anu iniisip ko ngayun? Paano ba natin malalaman na mahal tayo ng pamilya natin? Anu yung mga bagay na palatandaan na may halaga tayo sa kanila? may mga bagay na di natin kayang tumbasan ng anumang paliwanag.may mga bagay din naman na kahit anung paliwanag ang nais nating pakawalan sa isipan ay sadyang kulang sa mga bagay hinggil sa ating pamilya. nais kong ibahagi sa inyo ang mga bagay na alam kong naging kakabit na ng aking mga karanasan mula noon hanggang ngayon.
Hindi kalakihan ang pamilya. tatlo lang kaming magkakapatid. Limang tao lahat kasama ang magulang ko! Simpleng tao lang ang mga magulang ko na nagkatagpo sa maynila. Ang tadhana ang nagdala sa kanila upang silay nagkakilala. Ang mama ko ay galing sa bohol at ang papa ko ay sa samar! Mantaking mo ang pagitan ng mundo nila na halos magkabilang panig ng bansa mula silangan hanggan kanlurang bahagi.isa na marahil sa mga patunay na kung talagang kayo ang sadyang nakatakda para sa isat isa ang tadhana na mismo ang maghahatid sa inyo upang matupad ang nakatakda. Gayon paman, hindi naging madali ang lahat bilang mag asawa. Maraming pagsubok ang dumating sa buhay nila. Ang ama ko ay namamsukan lamang sa isang malaking tindahan bilang tagapagsilbi. Kakarampot lamang ang kinikita niya sa araw araw sa mantalang ang ina ko naman ay namamasukan din bilang silbidora sa isang kilalang kainan sa maynila. Dito nagsimula ang kalbaryo ng buhay nila. sinimulan nila ang mga plano nila at mga kaukulang hakbang upang magsama. Lumipas ang maraming taon nabuo ang aming pamilya. iniluwal ako sa Caloocan, maging ang dalawa kong kapatid na babae ay doon narin nailuwal sa mga sumunod na taon.
Gaya ng nakararami, sukdulan ang pagmamahal na ibibigay sa amin. Lahat na ata ng sakripisyo bilang mga magulang ay naroon na. ang pagtangis naming nang mga paslit ay kung tutuusin isang malaking sakripisyo sa kanila pag naaabala ang kanilang pamamahinga. Dahil sa ang ama ko lamang ang nagtratrabaho noon kakaunti lamang ang sustento na kaya niyang ibigay, subalit ang pagmamahal at pag aaruga naman na ipinapakita nito sa amin ay sadyang walang humpay. Sabihin na nating wala pa ako sa tamang eded noon upang patunayan ang mga iyon at wala pa sa hustong gulang upang maalala o makapag isip ng maayos pagkat akoy musmus pa lamang. Marahil ang buhay na meron kami ngayon at maging ang mga ugali at personalidad kabilang ang reputasyon na meroon kami ay isa sa mga patunay na maayos ang pagpapalaki sa amin.
Dito ko gusto simulan ang lahat ng nais kong gusting sabihin at itanung mismo sa inyong mga isipan. Marahil hindi lang ako o hindi lang iilan kundi maraming tao ang alam kong may kahalintulad na mga ganitong senaryo. Nasa hustong gulang na ako ngayon. Marahil maraming pagbabago ang naganap sa buhay ko maging ang literal na pag iisip at mga pananaw sa buhay ay sadyang naging malawak. Nagbago ang personalidad maging ang mga pakikitungo sa bawat miyenbro ng aking pamilya. nag iisa lang ako na lalaki sa aming pamilya. ang dalawa kong kapatid ay babae. Madalas ako lang ang lageng walang kausap sa bahay. Madalas ako lang nag iisa sa bahay. Hindi kami naguusap ng dalawa ong kapatid gawa nga ng babae sila. Iba ang pakikitungo sa kanila at iba ang mga karakter na nila na dapat ay irespeto at sabayan. Limitado lamang sa mga bagay na naitatanong ko, limita lamang ang mga bagay na naibabahagi ko. Hindo ko magawang ikuwento sa kanila ang mga ngyayari sa buhay ko dahil nga babae sila. Marahil takot rin ako na asarin at kantyawin sa mga pagkakamali sa buhay ko. Silang dalawang babae lamang ang magkasundo. Sila lamang ang nakakabahagian ng mga problema at ideya maging ang lahat ng mga nangyayari sa buhay nila. Samantalang ako napipi na ata ako sa aming pamilya at wala na akong masabi pang iba at wala na akng maikuwento pang iba lalo nat may mga bagay na ang hirap sabihin sa kanila sa mga ngyayri sa buhay ko! Sinasarili ko na lamang ang lahat ng bagay. Lahat ng problema ako na mismo ang gumagawa ng solusyon. Madalas sa ibang tao ako pasadya na nagtatanong ng mga bagay na maaring makatulong sa akin. Alam ko naman na dapat sa pamilya ako humingi ng mga opinyon, marahil mas nakakitaan ko at nakagaanan at nakasanayan ko ng sa ibang tao o kaibigan.sa kanila ko madalas na ibabahagi ang mga pgsubok sa buhay. Sa kanila ko lamang naikukuwento ang lahat ng mga bagay na napagdadaanan ko sa mundo.
Sa kabila ng lahat ng ito, isang katotohanan lamang ang malinaw. Na kahit na anung klaseng paghingi ng tulong o opinyon mu sa lahat ng kaibigan ay hindi ganoon kalaki ang mga bagay o tulong na mula sa kanila. Ang mga salita na mula sa kanila ang tanging paulit ulit nating naririnig. Ang tinatawag nilang ADVICE lamang ang tanging kadalsang naitutulong nila! Minsan sa mga pananalita nila tayo ang pinalalabas na tanga, nab obo na mali an gating ginawa. Wala naman tayong magagawa kasi nga kaibigan natin sila, nakakatulong nga ba sila ng malaki sa mga bagay na binibitiwan nila? Hindi bat pandagdag lamang ng sama ng loob an gating napapala sa kanila? Malaki nga bang tulong ang kausapin tayo at bigyan ng mga pagkahaba habang salita ? hindi bat ang sadya natin kaya tayo lumapit ay para tulungan tayo, ipagtangol at kampihan? Ang effort nila bilang kaibigan ang siyang tanging hanap natin, hindi natin kailngan ang mga salita sa kanila dahil tao din naman tayo na kagaya nila na alam natin kung kailan tayo nagkakamali at kailan tayo nasa tama. Hindi bat pantay lang din naman kung mag isip pagdating sa mga bagay na kadalasan auy napapasubo tayo sa mga suliranin. Ang tanging lubos nating kailngan ay taong may karamay, may kaakbay, may sasama ,may magbibigay ng lakas ng loob maging kontribusyon ng konting hirap at pagod para tayo ay mapabuti. Kaso sa panahon ngayun mukhang bihira lamang ang tinatawag nating totoong kaibigan, ang kaibian ngayon pag tayo ay may problema, oo makikini nga sila subalit ang tanging maitutulong nila na mula sa kanila ay mga salita lamang. At sasabihin, WALA AKONG MAITUTULONG SAYO TANGING PAYO LAMANG ANG MAGAGAWA KO! KUNG GUSTO MO NG KAUSAP ANDITO AKO! Hahaha kausap nga ba ang hanap natin? hindi bat tulong ng totoong kaibigan ang pakay natin.
Dito ko napatunayan na kahit gaano pa kadami ang kaibigan mo mas kailangan mo parin ng tulong ng pamilya mo na lubos na tutulong sayo! Napaka swerte ng mga taong sobrang malalapit sa mama at papa nila o sa mga kapatid nila! Napaswerte ng mga taong may matibay na samahan na nakikipaglambingan sa kanila! Napakaswerte ng mga taong may mauunawaing pamilya at may mapagmahal na pamilya! hindi lahat ngtao sa mundo ay nagaga ang mga bagay na nagagawa ninyo! May mga pamilya na watak watak at may mga pamilya na hindi kaylanman nakakapag usap dahil sa kung anumang harang ang namamagitan! May mga iilan na di nasasabi ang mga bagay na gusto nilang sabihin. May mga iilan na di kayang bigkasin ang mga katagang nagpapahiwatig ng pasasalamat at pagmamahal sa kanilang mga magulang dahil na din sa nakagisnan na klase ng buhay.may mga iilan na tulad ko na walang lakas ng loob para magsimula ng isang bagay para lamang makagawa ng isang magandang relasyon sa aking mga magulang! Ang pagsunod mga utos nila lamang ang tangi kong kayang gawin. Marahil para sa akin sapat na ang mga iyon. Marahin sa tulad ko ay mas mainam na ang mga iyon. May mga pagkakataon na gusto ko sila makausap dahil sa dami ng problema na kiinakaharap ko, may mga oras na gusto ko silang makapiling dahil nararamdaman ko sa loob ko ang pagtangis ng lungkot dahil sa mga taong nanakit at ng iwan sakin. Ilang taon man ang lumipas at nakalipas tanging sila lamang ang hindi ng iwan. Isang patunay lamang na kahit kaylan hinding hindi ka nila tatalikuran at iiwan.
Makikita at mararamdaman natin na kahit di literalang pagpapakita ng pagmamahal nila sa atin ramdam natin ang mga bagay na di natin napapansin sa tuwing kailangan natin sila. Ilang beses ko na napatunayan na kahit na di ko sila nahihngan ng tulong tuwing may kailangan ako sa kanila parin ako nakakakuha ng ng lakas ng loob. Nakakatawang isipin, na sa tuwing lasing lamang ako nakakapag bitiw ng salitang MAHAL KO KAYO MAMA, MAHAK KO KAYO PAPA.parang lakas ng loob at pasasalaman ang mga katagang nabibitiwan ko. Tandang tanda ko ang mga panahong binigkas ko ang mga iyon. Ramdam ko ikinatuwa nila ang mga yun at ngiti sa mga labi nila.
Kung anu mang pamilya mayroon kayo , iparandam nyo ang pagmamahal at pasasalamat habang may pagkakataon pa! alam nating di natin hawak ang oras!
Magandang gabi sa lahat!
No comments:
Post a Comment