"ANG HANGGANAN"
by: dinn arken tolentino
this is it! this is really it! god! so much thing to encode. pretty much long! wanna share this master piece of mine, well obviously this is the longest poem ive ever wrote in my whole life. it took two consecutive years to finished this writings. it consist of 60 stanza, and 240 lines. the count each syllable per line are exactly 10 even if you try to count them all. this poem were much more on symbolism and representation on what was happening for that 2 years pertaining on our nation, the politics, the economy, terrorists, women, youths, and so on. i was being affected to all bad thing that was happening on our society, perhaps it trigger me to wrote this kind of poem. this was started since second year high school and ended up when i was graduated! it was actually a planned of mine that when ill graduated, on the graduation ceremony itself, i know the president of the Philippines were invited as a guest, it was a perfect timing at that time to show an impression and extending my opinions.it happened she wasn't able to attend the ceremony. i was actually ready to give it to her, i folded it already and printed. well that's life, i make believe myself that wast good idea at all reason why it haven't succeeded.
SAlitang Alay
1
Inspirasyon ko na orihinal
Sa aking gawa’t sa aking pagal
Pamumuno sana at tumagal
Wag pasisira, sino mang hangal
2
Sa iyong tagumpay na hihintin
Sana ay kami wag lilimutin
Pagkat ika’y malapit sa amin
Magkawalay, ika’y hahanapin
3
Masamang nilalang wag padadaig
Basta’t kasama, tayong papanig
Upang tagmpay sabay kakabig
Nang sa atin ay walang ligalig
4
Aking kaibigang kinakasi
Saking loob ika’y kinandili
Nang katoto ako’y di mapili
At kakayahan di dinidili
5
Labas na anyo’y di sinusukat
Kundi ang loob, kung ito’y sapat
Pagtitiwala lamang ang dapat
Ang kapares ay tunay na tapat
6
Sumumpa man ako sa diyosa
Kahit sa hirap ako’y magdusa
Kabayaran sa kin ay parusa
Titiisin ng lubos at kusa
7
Ang puso ko ay iyong winahi
Pagmamahal sa iyo ang sanhi
Di inaaway, inaaglahi
Di iiwa’t, di ikamumuhi
8
Pagka’t kaibigan ka na tunay
Doradong puso, likhang mahusay
Sa king problema ika’y kaakbay
May premyo, galling saking kamay
9
Pagmumulas ako sa iyong piling
Pagkakatoto di mapipising
Pagkat ika’y sa’kin ay malambing
Dahil pagmamahal walang taning
10
Minukala ko ikay limutin
Upang handa pag ako’y lilohin
Mahirap yata ikaw limutin
Kaya’y naukit, saking damdamin
Mensahing Paganyak
11
Hiling ko oh! Bubutihing irog
Basahin mo ang tula kong handog
Upang damdamin ay umindayog
Kahit na ako’y , hindi pa bantog
12
Imahinasyon kong sasalatin
Tiyak sa puso, ay sasambitin
Pinaghirapan ko ‘tong isipin
Upang makamit, aking hangarin
13
Kung maniig ka sa aking nanasa
Mawawala, ang lumbay at dusa
Dahil tulay, sariwa’t may lasa
Di maalat ang templa ng paksa
14
Aking gawa,iyong andukhain
Bawat saknong, iyong unawain
Kung gusto mo, ay iyong hanapin
Pag di mo nais, wag mong pilitin
15
Tanyag sa ‘kin, istorya’y isulat
Dahil ito’y aking kaakibat
Simulate hanggang it’y kumalat
Hindi titigil pag hindi sapat
16
Aking gawa’y di man nailimbag
Sa puso ko’y, tanggap ng maluwag
Anupa’t ako’y, may naiambag
Sa pilipinas kong nililiyag
17
Kung pagbabasa mo’y masawata
Dahil sa mahabang kabanata
H’wag alalahanin aking sinta
Narito, katoto mong makata
18
Pakidigma ko’y wagsusupil
Kahit panangga ko’y lapis’t papel
Sariling buhay di magkikitil
Pantas magwika, pag akda’y tigil
19
Hangad ko ika’y maging malugod
Tanging kabayaran, yaring pagod
Hapis ng makata na ‘yong lingkod
Sa hirap’t sakit di malulunod
20
Likha ko, wag niyong daragitin
Parang karayum tumimo sa akin
Sa loob, mistula kayong sakim
Sa aking dibdib itto’y babathin
21
Di ko man naabutan, ang dayuhan
Tiyak sila’y aking lalabanan
Pagpahirap nila ng lubusa
Sa Pilipino na kamusmusan
22
Mga bayaning nawalan ng buhay
Dahil sa basalyong gali’y alay
Mahal na haring inaantabay
Pati kapatid ko;y dinadamay
23
Bakal may lumipad at lumitaw
Marami mang nagbuwis’t pumanaw
Makikita sa gitna ang ilaw
Kikinang, pag asa tila’y araw
24
Baling araw to’y pagbabayaran
Sa nakuhang likas kayamanan
Pag tao’y bumuo ng samahan
Terorista’y magsisibagsakan
25
Teknolohiya ma’y tumaas
Anong silbi kung maraming dahas
Mas mainam pa bagay na likas
Sa karahasa’y nakakaiwas
26
Mangarap ng tama’y di masama
Sa kabutihan lang ‘to, tatama
Wala mang alam o taong luma
Pag impluwensyahan t’yak sasama
27
Mga makina na naimbensiyon
Salot ito, bigay ay polusyon
Kung hindi tama ang paggamit n’yon
Tiyak babagsak an gating nasyon
28
Kung minsan tayo ay nasasawi
Luhaan kung tayo ay umuwi
Sa labi kitang, namumutawi
Paghihiganti upang bumawi
29
Hindi lang sa kaho’y nalililok
Pati ring sa mukhang pamaghamok
Nakakabighani kung mang-alok
Ngunit sa loob ito ay bulok
30
Tayo’y may oras upang lumaban
May lakas at buong kalooban
Na kasama, Diyos na sandigan
Lahat-lahat o sino pa man
31
Lahat ng tao, lahat may layon
Ma pa sa lungsod, ma pa sa nayon
Lahat, kahit na imahinasyon
Walang makikitang mga pundasyon
32
Malaya tayo ngayong panahon
Tila tahimik na dapit hapon
Ang ‘yong nais gawing mahinahon
Paalalang saknong ay pabaon
33
Marami na ngayong likhang sining
Sa dulo, malapit ng marating
Nawala na, taong magigiting
Ang sinauna ngayo’y may taning
34
Bata’y di maiimpluwensyahan
Pag mayrong matibay na isipan
Pagka’t alam niya ang kagandahan
Mali niya’y kanyang sasaulan
35
Ba’t kaya babae’y may parusa
Sa pamamagitan ng gahasa
At tinitiis lahat ng dusa
Mapag-pantas man o dalubhas
36
Noong nakaraan na setyembre
Tila nabaluktot na alambre
Mga pangarap ng mare at pare
Tuluyang natunaw sa asupre
37
Kung parusa man ‘to ng diyosa
At talagang ‘to ang kanyang nasa
Sa dulo ay mawawalang bisa
Awra ng puso pag magkaisa
38
Mundo mo man ay nagging madilim
h’wag mabahala sa takip-silim
putting puso may ilaw na lihim
magtatanggol sa anumang lagim
39
tingnan mo, hugis ng iyong mata
sumisimbolo sayong nakita
marami na ang nagging pirata
pinagsakiman pari mga bata
40
darating ang mga paghihiganti
ng mga taong tila ay nagbigti
na biglang naglaho ang mga ngiti
na ang galit abot hanggang binti
41
itataboy ang mga Pilipino
ng mga taong animo’y pinuno
ngunit bakit tila nagluluno
ang galit ng pinoy di mapuno
42
bahagya man magsipagkumbaba
at tila diyos ay sinasamba
pero sa loob parang gagamba
na may sapot marupok mahaba
43
balang araw dambanay titindig
ng mapang-api sa sandaigdig
kasama at sabay ididilig
sa taong mahina ang mga bisig
44
pinunong tunay kong ginigiliw
sa tono ng tugtog sumasaliw
pagkakahawak di bumibitiw
mga pagsubok kanyang sinisisiw
45
kung ating isasaisip lamang
mga dayuhan sa atin di lamang
pagkat may yaman bayang hinihirang
pamana ng ninunong matapang
46
kung si pagong na ubod ng bagal
di sumuko, buhay ay sinugal
kahit sa hirap ay di umangal
matalo lang, ang kunehong hangal
47
di patatalo ang kabutihan
‘toy nasasaad sa kasulatan
Kung sa una siya ay talunan
Bangdang huli ay may kasayahan
48
Ang kadiliman ay nagpatakda
Mga kampon niya’y nagsipaghanda
Upang kaayusa’y, ipa-giba
Lahat ng kayamana’y siniba
49
Maliban sa isang kayamanan
Di mananakaw, di mahawakan
Di makukuha ng sino pa man
‘toy hiyas nasa puso ninuman
50
Ang taong may maitim na budhi
Di pinupuri, di inaaglahi
Pagkat kasamaa’y kanyang sanhi
Kadiliman sa kanya’y nagwahi
51
Titindig ang pagodang busilak
Mabubuhay ang mabuting balak
Matutunaw ang silaw sa pilak
Malalason ang sabik sa alak
52
Simoyng hangin maaliwalas
Panahon ng pag-asang mamitas
Animo’y kwintas nag into’t perlas
Kislap na hudyat sayo ang alas!
53
Kaaway mo man ang iyong kapwa
At puso mo ay kanyang nahiwa
Sugat mo ma’y sinlalim ng lawa
Patawarin mo’t kayo’y tumawa
54
Kung sa tuwina ay mawawala
Ang lakas ng loob at tiwala
Tiyak di magniningning ang tala
Pagkat liwanag wala s’yang dala
55
Kapag ang oras ay dumating na
At kapag tumunog na ang kampana
Ito ay sinyales ng mga nimpa
Pahiwatig, silay tutulong na
56
Lilitaw ang pulseras nag into
Magsasara ang puting pinto
Tatanggapin mga taong sinto
Pagkat kilala nila ang santo
Saknong Ng Paalam
57
Mensahe ng saknong h’wag sukatin
H’wag magtanong kung iinsultuhin
Buong puso mo, na intindihin
Upang gumaan ang iyong damdamin
58
Mga pahayag na winika sa’yo
Mula sa ina, kanyang mga payo
Punuan mo, dibdib na ibayo
Pagkat magagamit, pag kaw’y matuto
59
Isabuhay nyo ang pangaral ko
Sa pagsubok wag kayong susuko
Kung ang landas mo ay lumiliko
Ituwid, wag tatapak sa pako
60
Paalala ko’y inyong isipin
Hanggang huli, ay inong sapitin
Sa pagbabasa di pipilitin
Pagkat ang ayaw, tanggap sa akin!
1 comment:
can you guys leave comment here! thanx its for free!
Post a Comment